18-day Campaign to End the Violence Against Women and Children (VAWC)
- basecovolley
- Nov 26, 2021
- 1 min read
Ang Baseco Volleyball Club ay nakikiisa sa kampanya upang waksiin ang Violence against Women and Childen simula 25 ng Nobyembre hanggang 12 December 2021. Ang BVC ay mariing kinokondena ang anumang klase ng pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan at kabataan. Bilang isang community youth organization, aming ipinahahatid-impormasyon sa lahat na tayo ay makiisa upang waksiin at iwaglit ang anumang pananakit at karahasan sa ating kapuwa.
"Ang sama-sama nating pagkilos ay magbubunga ng mas ligtas, mapayapa at kaaya-ayang tahanan at lipunan. Ating pagtulungan ang pagsupil sa karahasan sa mga kababaihan dahil ito’y tungkulin mo, tungkulin nating lahat!
Gawin nating makabuluhan ang kampanyang ito para sa mga kababaihan at mga batang babae dito sa Pilipinas at sa buong mundo." - Philippine Women Commission (link: https://pcw.gov.ph/mensahe-ng-philippine-commission-on-women-ukol-sa-national-consciousness-day-for-the-elimination-of-violence-against-women-and-children/)
November 25 is the United Nations (UN) International Day for the Elimination of Violence against Women.
2014 18-Day Campaign To End Violence Against Women November 25 to December 12 Proclamation No. 1172 s.2006

.jpg)



Comments